Live on iOS and Android · Built in the Philippines

May sistema na.

Selfie-and-GPS attendance, approvals that actually move, and PH-statutory payroll — one system your whole company logs into. Built for Filipino companies with people in the field.

No signup, no form. Real app, sample company — sign in with demo.reviewer / demo1234

demo.sistema.ph
Sistema dashboard — sales, collections, cash flow, AR aging and bank balances at a glance
Sistema on the phone — the approvals inbox
Running daily at a PH electrical contractor — 80+ office and field staff SSS, PhilHealth, Pag-IBIG and BIR tables built in Your own database per company Setup in days, not months
Ang totoong problema

Hindi kulang sa software ang opisina.
Kulang sa sistema.

Bawat piraso may sariling app o Excel — at walang nag-uusap. Ito ang pinapalitan ng Sistema.

Kung walang sistema

  • Punch card at logbook na hindi mo alam kung sino talaga ang pumirma
  • Approval na naiipit sa Viber — walang trail, walang petsa
  • Payroll sa Excel hanggang madaling-araw, tapos i-type ulit
  • Resibo sa envelope, liquidation na hindi tugma
  • Cheke na nakalimutan — nagulat ka na lang sa balance
  • Tanong ng boss: "Magkano na ba?" Sagot: "Ipapadala ko po bukas."

Kapag may Sistema

  • Selfie + GPS kada punch — kita mo kung sino, nasaan, kailan
  • Dumadaan sa tamang tao, may push, may timestamp, may bakas
  • Payroll galing mismo sa punches at approved OT — hindi retype
  • Reimbursement may litrato ng resibo, naka-attach sa request
  • Post-dated cheques na may clearing date at running balance
  • Sagot: buksan ang dashboard. Nandiyan na.
Attendance

Selfie at GPS ang patunay — hindi papel.

Bawat time in at time out, may litrato at lokasyon. Nasa loob ng geofence ng site? Tuloy. Wala? May pulang flag agad sa log — kasama ang layo sa metro.

  • Selfie kada punch — kita kung sino talaga ang pumindot
  • Geofenced worksites at offices — 41 km ang layo? Naka-flag
  • Walang signal sa site? Naka-queue, nagsi-sync pagbalik ng data
Subukan sa demo →
Attendance log — every punch with its selfie, site, distance to the geofence, and a red flag on the punch made 41 km away
The selfie time-in screen — face framed, site geofence confirmed, one tap to confirm
Approvals

Aprubahan nang maramihan — hindi isa-isa.

Pag dumating sa executive ang maraming request, hindi na isa-isang bubuksan. Summary table kada uri — parang Excel na nakasanayan — may amount kada linya at total sa baba.

  • Piliin lahat, isang pindot — dumadaan pa rin sa tamang chain
  • Leave, OT, cash advance, reimbursement, purchase request — sabay-sabay
  • May push notification ang bawat naghihintay na aksyon
Subukan sa demo →
Approvals inbox in summary mode — leave and reimbursement tables with amounts and a total, ready for bulk approve
Banks & cheques

Alam mo kung kailan babagsak ang bawat cheke.

Post-dated cheques na alam mo ang clearing date, running balance na totoo, at magkahiwalay ang booked sa available. Hindi ka na magugulat sa October.

  • Clearing date kada transaksyon — kita agad ang post-dated
  • Pending → Clearing → Cleared → o Bounced, isang pindot lang
  • Loans at post-dated cheques, naka-post mismo sa bangko
Subukan sa demo →
Bank account ledger — current and available balance, cheque numbers, clearing dates and status per transaction
Sariling kulay, sariling database

Kumpanya mo ang nasa screen — hindi kami.

Ang login page, ang app, ang payslip — pangalan, logo at kulay ng kumpanya mo. At bawat kumpanya, hiwalay na database: ang data mo ay sa iyo lang.

  • Sariling web address: kumpanya-mo.sistema.ph
  • Role-based access — kanya-kanyang kaya at makikita
  • I-upload ang logo mo, agad na lilitaw sa app at sa payslip
Pag-usapan natin →
Sistema sign-in page carrying the company's own branding
Ano ang kasama

Isang sistema, hindi limang subscription.

Lahat ng nasa ibaba, magkakabit na — ang attendance ang pinagmumulan ng payroll, ang approvals ang nagbubukas ng gastos, ang ledger ang nagsasara.

🤳
AttendanceSelfie + GPS punches, geofenced worksites, schedules, offline queue, no-show tracking.
✅
ApprovalsLeave, OT, cash advance, reimbursement, liquidation, purchase request — with a real chain.
🧾
PayrollSemi-monthly runs from real punches: SSS, PhilHealth, Pag-IBIG, tax, loans, 13th month, payslips.
📒
LedgerSales orders, invoices, collections, payables — AR/AP that agrees with itself.
🏦
Banks & loansCheque clearing, transfers, post-dated cheques, company loans with their PDC schedule.
🛒
PurchasingPurchase requests with the scanned MRF, approval, then straight into a supplier PO.
📁
201 filesNBI, medical, police and barangay clearances plus certificates, kept per employee.
📦
InventoryReceiving to issuance, per warehouse.Coming
Diretsong sagot

Ang mga tinatanong bago mag-oo.

Gaano katagal ang setup?

Araw, hindi buwan. Bibigyan ka namin ng sariling address (kumpanya-mo.sistema.ph) at sariling database, ii-import ang employee list at mga customer/supplier mo, at tuturuan ang team mo. Ang unang linggo, attendance muna — para may makita agad na resulta.

Magkano?

Depende sa laki ng team. Sabihin mo lang ang headcount at kung ano ang gamit ninyo ngayon — isang reply, may presyo ka na. Walang sales call na kailangan.

Paano kung walang signal sa site?

Tuloy pa rin ang punch. Naka-queue sa telepono at kusang nagsi-sync pagbalik ng data — hindi mawawala ang oras ng tao mo. Ang mga telepono namang walang Google services, may direktang download ng app.

Sino ang may hawak ng data namin?

Kayo. Bawat kumpanya ay may sariling hiwalay na database — hindi pinaghahalo. Naka-host sa AWS Singapore, may role-based access sa loob, at kayang i-export sa Excel ang halos lahat ng listahan anumang oras.

Kailangan pa ba naming palitan ang payroll o accounting namin?

Hindi kaagad. Maraming kumpanya ang nagsisimula sa attendance at approvals lang — doon pinakamabilis makita ang ipinagbago. Kapag handa na kayo, ang payroll at ledger ay nakabukas na, walang bagong subscription.

May app ba para sa staff?

Oo — nasa App Store at Google Play na, at isang app lang ang kailangan nila: punch, file ng leave o OT, tingnan ang payslip, at aprubahan kung supervisor sila. Ang opisina, buong web system.

Kausapin kami

Sabihin mo lang ang laki ng team.

Sasagutin namin ng presyo at kung gaano katagal ang setup — walang sales call na kailangan, walang demo na kailangang i-schedule.

  • Isang reply, may presyo ka na — base sa headcount ninyo
  • Sasabihin namin kung ano ang kayang i-import mula sa Excel ninyo
  • Kung hindi bagay ang Sistema sa inyo, sasabihin din namin

Mas gusto mo munang tingnan? Buksan ang live demo — walang form, walang signup.

O mag-email nang diretso sa hello@sistema.ph

Gusto mo ng sistema? Eto ang Sistema.

Buksan ang demo ngayon — totoong app, sample na kumpanya, walang isasagot na form. Kapag bagay sa inyo, isang email lang at simulan na natin ang sa inyo.

Open the live demo → Set up my company

Sign in with demo.reviewer / demo1234

Open the live demo